RSS | Archive | Random | IMAGES

About

This is how I live my life. :)

♥ ♥ ♥
Photography.
Gigs.
Arts.
Designs.
Hang-out.
Bands.
Tattoo.
Monsters.
Ice cream.
Cakes
Candies

Visitors:

Proudly Pinoy!

Following

18 June 11
fineimagestudio:

PISO 
Pag marami kang PISO marami kang kalaro, pag marami kang kalaro, masaya lagi araw mo, pano kung PISO lang ang meron ka? ang tanong sino ang kukuha? may mag kaka interes pa ba? ngayong nagka edad na ako… lumaki ang halaga sakin ng PISO, kasabay nito ang pagbaba ng presyo. 
Iba ang pinagsamahan namin ng PISO. Masaya ako pag meron ako nito… Nasubukan nyo na ba ang ginagawa ko sa PISO? kung hindi pa gusto kong ibahagi sa inyo ang isa ring parte ng buhay ko…
Nagsimula ang lahat nung kumain ako sa Jollibee, ang aking naging sukli lamang ay PISO. dahil ang inorder ko ay Burger Champ na nagkakahalaga ito na 99pesos. sa paglabas ko ng Jollibee may lumapit saking bata. “kuya pahingi po ng konting tulong”. Kapa ako sa bulsa ko pero alam ko na piso lang talaga ang nasa bulsa ko nahihiya akong ibigay pero sa halip na wala, binigay ko na lang… Nakita ko reaksyon nung bata na parang naasar kasi syempre jollibee nga naman tapos PISO lang makukuha nila… sabi nung bata PISO??? pwede ng pang hapunan toh! kuya akin na lang yang softdrinks mo pandagdag. Napahiya ako don kasi ang daming tao naglalakad non… 
Simula non, nagiipon na ko ng barya, limang piso, sampung piso. at nakasanayan ko na ring mag abot ng barya ng nakakubli ang kamay para lamang itago kung magkano ang halaga ng maiaabot ko…
Naisip ko, subukan ko kaya ulit… Kumain naman ako ngayon sa Mc.do. paglabas ko may bata sakto lumapit sakin… dalawang magkapatid isang babae at isang lalake. “Kuya konting tulong po… di pa kami kumakain…” Inabot ko ung PISO. Kinakabahan ulit ako pero iba ang naramdaman ko at nagulat ako sa kanilang sinabi. “Ay! may 200 na tayo! sakto maibibili na natin si nanay ng gamot, salamat po kasi 200 pesos po ung gamot ni nanay eh.”. Sabi ko oh kala ko di pa kayo nakain? (Sa pagkagulat ko parang biglang naiba mundo ko). Halika kumain muna kayo, pinakain ko sila sa Mc.do. Simula non naging kaibigan ko ang dalawang magkapatid na iyon. (naging model ko pa sila dyan sa “Kariton at Night”) ginigising ko sila nyan after ng shoot kasi nakatulog na pala silang talaga. Sobrang sipag nyang magkapatid na yan.
Nakakatuwa, kasi pag nagkikita kaming tatlo ung ibinibigay ko sa kanila, iniipon nila, tapos nung isang beses nakita ko sila di humihingi ng kung ano… Bibigyan ko dapat ng konti sabi nila kuya wag na… “eto pa ung bigay mo oh, binili namin ng tsinelas” sabay tulak ng kariton.
Bigla pumasok sa isip ko, ano kaya kung i-apply ko toh sa mga taong nakapalibot sa akin? 
Sinimulan ko sa isang Kaibigan. Tinext ko sya ah… (May ibibigay ako sayo…) excited sya syempre “un ang gusto kong mangyari ang maging excited sya….” pagmeet namin mga 1week bago kami nag meet eh… binigay ko na si PISO. Gulat na gulat sya… sabi nya ano toh? di ako namamalimos… sa isip isip ko… “Ouch sorry hahaha…”  sabi nya ok thanks sa piso sabay silid sa bulsa. 
Nasundan ng nasundan iyon, isa sa ikinatuwa ko ay yung isang kaibigan na binigyan ko ng PISO. Pagka abot ko sa kanya, nginitian nya ako at sabay nilagyan nya ng sticker na smiley sa isang side ng PISO. dun sa walang mukha ni RIZAL baka daw kasi hindi makahinga si Doc… Nagulat na naman ako… kasi kakaiba ung ginawa nya.. tapos sa gitna ng pagkatulala ko. nakita ko inilagay pa nya sa wallet nya na bukod don sa mga barya nya. 
Doon ako natuwa… kasi nakuha nya ang gusto kong mensahe sa pagbibigay ko ng maliit na bagay na iyon. Doon ko lang nasabi talaga na Ang tao pwede mo rin makilala ng LUBOS sa PISO mapabuti or mapasama. Lumipas ang mga taon may biglang mag tetext sakin. Tim! naalala kita “baket?” kapos pambayad ko sa jeep eh “naalala ko ung bigay mong PISO, Dos kasi kulang ko eh nakakahiya kung lima lang ibigay ko..” Oh diba? nakatulong pa? 
PAG ANG PISO IHINALO MO SA MGA MAMISO. LALAKI AT LALAKI ANG HALAGA NITO, PERO SANA HINDI DUMATING SA PUNTO NA DI MO NA MAKILALA ANG TAONG NAGPUNO SAYO NITO.

Reblogged: fineimagestudio

Themed by Hunson. Originally by Josh